Ako Ay Pilipino
1983, Vicor Records
List of Songs
- Ako ay PilipinoLyrics
Composed by George Canseco Ako ay Pilipino Ang dugo'y maharlika Likas sa aking puso Adhikaing kay ganda Sa Pilipinas na aking bayan Lantay na Perlas ng Silanganan Wari'y natipon ang kayamanan ng Maykapal. Bigay sa 'king talino Sa mabuti lang laan Sa aki'y katutubo Ang maging mapagmahal. Ako ay Pilipino Ako ay Pilipino Isang bansa, isang diwa Ang minimithi ko Sa bayan ko't bandila Laan buhay ko't diwa Ako ay Pilipino, Pilipinong totoo. Ako ay Pilipino Ako ay Pilipino Taas-noo kahit kanino Ang Pilipino ay ako!
- HandogLyrics
Composed by Florante de Leon Parang kailan lang ang mga pangarap ko’y kay hirap abutin. Dahil sa inyo napunta ako sa aking nais marating. Nais ko kayong pasalamatan kahit man lamang isang awitin. Parang kailan lang halos ako ay magpalimos sa lansangan. Dahil sa inyo ang aking tiyan at ang bulsa’y nagkalaman. Kaya't itong awiting aking inaawit nais ko’y kayo ang handugan. Tatanda at lilipas din ako, Ngunit mayroong awiting iiwanan sa inyong alaala Dahil minsan tayo’y nagkasama. Parang kailan lang ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan. Dahil sa inyo narinig ang isip ko at naintidihan. Dahil dito’y ibig ko kayong ituring na matalik kong kaibigan. Tatanda at lilipas din ako Ngunit mayroong awiting iiwanan sa inyong alaala Dahil minsan tayo’y nagkasama Kahit minsan may naialay sa inyo
- Noong Unang PanahonLyrics
Music by Nonong Pedero / Lyrics by Bien Lumbera Nung unang panahon Ang langit at lupa'y Magkaratig halos Laganap ang tuwa Kapag sa banga Ni butil ay wala Ang gubat at ilog May handang biyaya Nung unang panahon Ang sikat ng araw Ay nagpapalago Sa bawat halaman Bakit kaya ngayon Kay init ng darang Ilog tinutuyo Parang tinitigang Nung unang panahon Ang patak ng ulan Pinasasariwa Dahong naninilaw Ngayo'y nagngangalit May hanging kasabay May bahang kasunod Na nakamamatay Nung unang panahon Ang puso ng tao'y Marunong magmahal Hindi nanloloko Sa hapis ng iba'y Laang makisalo Layo'y pumayapa At hindi manggulo Pati na ang langit Na dati'y kay baba Ay nagpakalayo Sa ulilang lupa Bathala gumising Tuyuin ang luha Ng nananawagan At nagpapaawa Nung unang panahon Ang langit at lupa'y Magkaratig halos Laganap ang tuwa Bathala gumising Tuyuin ang luha Ng nananawagan At nagpapaawa Nung unang panahon Nung unang panahon Nung unang panahon
- Pilipino AkoLyrics
Composed by Cecil Azarcon Koro: Pilipino ako, Pilipino ako At sa lahat ay sasabihin ko Ang lahi ko'y kayumanggi Ito'y aking ipagmamalaki Pilipino ako, Pilipino ako Anumang bansa ang marating Mundo man ay siyang libutin Anumang tagumpay ang mapasa akin Kung ako'y maging sikat maging tanyag at kilalanin Kailanman ay hindi ko lilimutin. ( ulitin koro ) Ang tao raw na di marunong lumingon sa pinanggalingan Ay hindi mararating ang patutunguhan At ang hindi raw marunong na magmahal sa sariling wika Ay higit pa sa isang malansang isda.Bridge: Bigkas ni Rizal, magiting na bayani Isa lamang siya sa marami Pilipino na sa bayan ay nag-alay Kaya ngayon ako ay narito. (ulitin koro 2x)
- Sino Ang BaliwLyrics
Composed by Elizabeth Barcelona Ang natutuwang baliw yaman ay pinagyabang Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan May isang sa yaman ay salapi ang hinihigan Ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman Sinasambit ng baliw awit na walang laman Ulo mo'y maiiling tatawagin mong hangal May isang hindi baliw, iba ang awit na alam Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman Sinong dakila, sino ang tunay na baliw Sinong mapalad, sinong tumatawag ng habag Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay 'di lubos O husto ang isip ngunit sa pag-ibig ay kaposAng kanyang tanging suot ay sira-sirang damit Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit May binatang ang gayak panay diyamante at hiyas Ngunit oras maghubad kulay ahas ang balat Sinong dakila, sino ang tunay na baliw Sinong mapalad, sinong tumatawag ng habag Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay 'di lubos O husto ang isip ngunit sa pag-ibig ay kapos Ooh.....Ahh....... Sa kanyang kilos at galaw tayo ay naaaliw Sa ating mga mata isa lamang siyang baliw Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay Sa mata ng Maykapal, siya'y higit na banal Sinong dakila, sino ang tunay na baliw Sinong mapalad, sinong tumatawag ng habag Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay 'di lubos O husto ang isip ngunit sa pag-ibig ay kapos Kaya't sino, sino, sino nga Sino nga ba Sino nga ba Sino nga ba ang tunay na baliw