KUH
1980, Blackgold Records
List of Songs
- Dito Ba?Lyrics
Composed by George Canseco Dito ba, dito ba, dito ba, o dito ba Ang dapat kong kalagyan Na isang sulok kong hiram Sa ilalim ng araw Dito ba and daigdig ko ngayon Bakit ibang iba sa daigdig ko noon Dito ba kung sa'n naroroon Ang hinahanap kong wala sa panahon Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw Dito ba ako naaangkop Sa paraiso ng walang kumukupkop Dito ba naroon ang tagumpay Magkabila'y ngiti, sa loob ay may lumbay Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw Kung saan kay lalim ng ng luha Ligaya'y kay babaw Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw
- Mayroong Sa Iyo’y NagmamahalLyrics
- LaruanLyrics
- BulaklakLyrics
Bulaklak, ang ganda ng bulaklak Ang bango ng bulaklak Dulot sa 'tin ay galak Kung ika'y nalulungkot At wala kang makaibigan Puso mo ay may sandigan Bulaklak Mapapawi ang kirot Paghapyos mo ng talulot Ay ginhawa ang s'yang dulot Bulaklak Bulaklak, ang ganda ng bulaklak Ang bango ng bulaklak Dulot sa 'tin ay galak Kung ika'y nagmamahal At di kayang mamutawi Ang pag-ibig sa 'yong labi Bulaklak Kung may karamdaman ka At kailangan ang paglingap Di ba't pang-alis ng hirap Bulaklak Bulaklak, ang ganda ng bulaklak Ang bango ng bulaklak Dulot sa 'tin ay galak Bulaklak, ang ganda ng bulaklak Ang bango ng bulaklak Dulot sa 'tin ay galak Mayro'n bang hihigit pa Kung ika'y magpapatawad O s'yang hihingi ng tawad Bulaklak Pa'no na itong mundo Kung ito'y mawawala pa Sa hantunga'y siyang kasama Bulaklak Bulaklak, ang ganda ng bulaklak Ang bango ng bulaklak Dulot sa 'tin ay galak Bulaklak, ang ganda ng bulaklak Ang bango ng bulaklak Dulot sa 'tin ay galak
- Magbalik Ka Na MahalLyrics
Composed by Ryan Cayabyab; Written by Ryan Cayabyab & Bien Lumbera Bawat patak man ng ulang masinsin Ay lagyan ng talim Ako ay sasayi 'Di ko iindahin Ang ulos at hiwa ng mumunting patalim Ang iyong kalinga ay kanlungang matibay Lilim nito ay langit na aking tanggulan 'Pag ito'y natiklop, lalantahin ng araw Lulunurin ng unos ang marupok kong buhay Aking hihintayin ang iyong pasabi Magbalik ka na mahal. Ang iyong kalinga ay kanlungang matibay Lilim nito ay langit na aking tanggulan 'Pag ito'y natiklop, lalantahin ng araw Lulunurin ng unos Ang marupok kong buhay Aking hihintayin ang iyong pasabi Magbalik ka na mahal
- Lumakad KaLyrics
- WakasLyrics
Composed by George Canseco Ilog at dagat naiiga rin Namamatay ang kislap ng bituin Kahit ang araw magdidilim din Dahil may wakas ang lahat man din Ang lahat ng bagay ay may wakas Tulad din ng pag-ibig mo Ngunit mabubuhay kung singwagas Ng pag-ibig ko sa'yo Huni ng ibon bahit kay tamis Nawawalang himig tunog ay hapis Ang kaligayahan kapag umalis Wakas na iiwa'y paghihinagpis Kahit alaala ay may wakas Tulad din ng paglimot mo Buhay na alaala ang s'yang lakas Ng pag-ibig ko sa'yo Sugat ng puso, patak ng ulan May wakas din kung kaya ay kailan? Wagas kong pag-ibig kung magwawakas man Kapag nagwakas na ang kailan man Kapag nagwakas na ang kailan man
- Hamon Ng DamdaminLyrics
- Paano Kita MapasasalamatanLyrics
Composed by George Canseco Paano kita mapasasalamatan Sa puso mong sa ’kin ibinigay Ngayon lamang ako nagmahal nang tunay Sa tanang aking buhay Sapat na ba na ako ay mangako Mananatili ka dito sa ’king puso Paano kita mapasasalamatan Sapat na bang mahalin lang kita Magpakailanpaman Ngayon lamang ako nagmahal ng tunay Sa tanang aking buhay Sapat na ba na ako ay mangako Mananatili ka dito sa 'king puso Paano kita mapasasalamatan Sapat na bang mahalin lang kita Magpakailan man
- SanaLyrics
Butch Monserrat/George Canseco Ang yakap ko sana pa rin ikaw Init kong panlaban tuwing magiginaw At ikaw pa rin sana ang siyang tinatanaw 'Pag uwi mo, 'pag lubog na ang araw Halik mo rin sana ang gigising At 'di kanyang labi tuwi kang mahimbing Ang almusal mo sana akong naghahain Masarap ba siyang magluto kaysa 'kin? O, kung di lang kita sana iniwan pa Sana'y ako ang kapiling mo At hindi siya ang masaya O, kung di lang kita sana iniwan pa At hindi ako nagtaksil sa 'yo Sana ngayon, o sana... Ako pa rin ang lagi mong kasama 'Di sana ako nagkasala Ako at ikaw pa rin Sana