KUH

KUH

1980, Blackgold Records

List of Songs

  • Dito Ba?Lyrics
    Composed by George Canseco
    
    Dito ba, dito ba, dito ba, o dito ba
    Ang dapat kong kalagyan
    Na isang sulok kong hiram
    Sa ilalim ng araw
    Dito ba and daigdig ko ngayon
    Bakit ibang iba sa daigdig ko noon
    Dito ba kung sa'n naroroon
    Ang hinahanap kong wala sa panahon
    Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw
    Dito ba ako naaangkop
    Sa paraiso ng walang kumukupkop
    Dito ba naroon ang tagumpay
    Magkabila'y ngiti, sa loob ay may lumbay
    Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw
    Kung saan kay lalim ng ng luha
    Ligaya'y kay babaw
    Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw
    
  • Mayroong Sa Iyo’y NagmamahalLyrics
  • LaruanLyrics
  • BulaklakLyrics
    Bulaklak, ang ganda ng bulaklak
    Ang bango ng bulaklak
    Dulot sa 'tin ay galak
    Kung ika'y nalulungkot
    At wala kang makaibigan
    Puso mo ay may sandigan
    Bulaklak
    Mapapawi ang kirot
    Paghapyos mo ng talulot
    Ay ginhawa ang s'yang dulot
    Bulaklak
    Bulaklak, ang ganda ng bulaklak
    Ang bango ng bulaklak
    Dulot sa 'tin ay galak
    Kung ika'y nagmamahal
    At di kayang mamutawi
    Ang pag-ibig sa 'yong labi
    Bulaklak
    Kung may karamdaman ka
    At kailangan ang paglingap
    Di ba't pang-alis ng hirap
    Bulaklak
    Bulaklak, ang ganda ng bulaklak
    Ang bango ng bulaklak
    Dulot sa 'tin ay galak
    Bulaklak, ang ganda ng bulaklak
    Ang bango ng bulaklak
    Dulot sa 'tin ay galak
    Mayro'n bang hihigit pa
    Kung ika'y magpapatawad
    O s'yang hihingi ng tawad
    Bulaklak
    Pa'no na itong mundo
    Kung ito'y mawawala pa
    Sa hantunga'y siyang kasama
    Bulaklak
    Bulaklak, ang ganda ng bulaklak
    Ang bango ng bulaklak
    Dulot sa 'tin ay galak
    Bulaklak, ang ganda ng bulaklak
    Ang bango ng bulaklak
    Dulot sa 'tin ay galak
    
  • Magbalik Ka Na MahalLyrics
    Composed by Ryan Cayabyab; Written by Ryan Cayabyab & Bien Lumbera
    
    Bawat patak man ng ulang masinsin
    Ay lagyan ng talim
    Ako ay sasayi
    'Di ko iindahin
    Ang ulos at hiwa ng mumunting patalim
    Ang iyong kalinga ay kanlungang matibay
    Lilim nito ay langit na aking tanggulan
    'Pag ito'y natiklop, lalantahin ng araw
    Lulunurin ng unos ang marupok kong buhay
    Aking hihintayin ang iyong pasabi
    Magbalik ka na mahal.
    Ang iyong kalinga ay kanlungang matibay
    Lilim nito ay langit na aking tanggulan
    'Pag ito'y natiklop, lalantahin ng araw
    Lulunurin ng unos
    Ang marupok kong buhay
    Aking hihintayin ang iyong pasabi
    Magbalik ka na mahal
    
  • Lumakad KaLyrics
  • WakasLyrics
    Composed by George Canseco
    
    Ilog at dagat naiiga rin
    Namamatay ang kislap ng bituin
    Kahit ang araw magdidilim din
    Dahil may wakas ang lahat man din
    Ang lahat ng bagay ay may wakas
    Tulad din ng pag-ibig mo
    Ngunit mabubuhay kung singwagas
    Ng pag-ibig ko sa'yo
    Huni ng ibon bahit kay tamis
    Nawawalang himig tunog ay hapis
    Ang kaligayahan kapag umalis
    Wakas na iiwa'y paghihinagpis
    Kahit alaala ay may wakas
    Tulad din ng paglimot mo
    Buhay na alaala ang s'yang lakas
    Ng pag-ibig ko sa'yo
    Sugat ng puso, patak ng ulan
    May wakas din kung kaya ay kailan?
    Wagas kong pag-ibig kung magwawakas man
    Kapag nagwakas na ang kailan man
    Kapag nagwakas na ang kailan man
    
  • Hamon Ng DamdaminLyrics
  • Paano Kita MapasasalamatanLyrics
    Composed by George Canseco
    
    Paano kita mapasasalamatan
    Sa puso mong sa ’kin ibinigay
    Ngayon lamang ako nagmahal nang tunay
    Sa tanang aking buhay
    Sapat na ba na ako ay mangako
    Mananatili ka dito sa ’king puso
    Paano kita mapasasalamatan
    Sapat na bang mahalin lang kita
    Magpakailanpaman
    Ngayon lamang ako nagmahal ng tunay
    Sa tanang aking buhay
    Sapat na ba na ako ay mangako
    Mananatili ka dito sa 'king puso
    Paano kita mapasasalamatan
    Sapat na bang mahalin lang kita
    Magpakailan man
    
  • SanaLyrics
    Butch Monserrat/George Canseco
    
    Ang yakap ko sana pa rin ikaw
    Init kong panlaban tuwing magiginaw
    At ikaw pa rin sana ang siyang tinatanaw
    'Pag uwi mo, 'pag lubog na ang araw
    Halik mo rin sana ang gigising
    At 'di kanyang labi tuwi kang mahimbing
    Ang almusal mo sana akong naghahain
    Masarap ba siyang magluto kaysa 'kin?
    O, kung di lang kita sana iniwan pa
    Sana'y ako ang kapiling mo
    At hindi siya ang masaya
    O, kung di lang kita sana iniwan pa
    At hindi ako nagtaksil sa 'yo
    Sana ngayon, o sana...
    Ako pa rin ang lagi mong kasama
    'Di sana ako nagkasala
    Ako at ikaw pa rin
    Sana