Pinulot Ka Lang Sa Lupa
Composed by Gines Tan, theme song from the Maricel Soriano movie of the same title

Pinulot ka lang sa lupa
Huwag lilimutin kung saan ka nagmula
Kung langit man ay narating
Buhay man ay nagningning
Dapat ang puso mo'y parating kay lambing

Pangarap mo't mga biyaya
Natatamo't unti-unting napapala
Ang kapuwa mong naninimnim
Huwag nang hayaan sa dilim
Idulot mo'y pag-asa, huwag maging sakim

[Chorus]
Pinulot ka lang, pinulot ka lang sa lupa
Nguni't kung pagsinta ang siya mong adhika
'Di na mapapansin dungis mo sa mukha
Kung pagkatao mo't damdamin ay pinagpala
'Di dapat ikubling pinulot ka lang sa lupa

Pag-ayon sa iyo ng tadhana
Pag-ibig tuwina ang gawing panata
Ang bawa't yamang kakamtin
Ipamahaging masinsin
Ikaw ay kikinang na tulad ng bituin

[Repeat Chorus 2x]