Sana
Butch Monserrat/George Canseco

Ang yakap ko sana pa rin ikaw
Init kong panlaban tuwing magiginaw
At ikaw pa rin sana ang siyang tinatanaw
'Pag uwi mo, 'pag lubog na ang araw

Halik mo rin sana ang gigising
At 'di kanyang labi tuwi kang mahimbing
Ang almusal mo sana akong naghahain
Masarap ba siyang magluto kaysa 'kin?

O, kung di lang kita sana iniwan pa
Sana'y ako ang kapiling mo
At hindi siya ang masaya
O, kung di lang kita sana iniwan pa
At hindi ako nagtaksil sa 'yo
Sana ngayon, o sana...
Ako pa rin ang lagi mong kasama
'Di sana ako nagkasala
Ako at ikaw pa rin
Sana