Pilipino Ako
Composed by Cecil Azarcon

Koro:
Pilipino ako, Pilipino ako
At sa lahat ay sasabihin ko
Ang lahi ko'y kayumanggi
Ito'y aking ipagmamalaki
Pilipino ako, Pilipino ako

Anumang bansa ang marating
Mundo man ay siyang libutin
Anumang tagumpay ang mapasa akin
Kung ako'y maging sikat maging tanyag at kilalanin
Kailanman ay hindi ko lilimutin.

( ulitin koro )

Ang tao raw na di marunong lumingon sa pinanggalingan
Ay hindi mararating ang patutunguhan
At ang hindi raw marunong na magmahal sa sariling wika
Ay higit pa sa isang malansang isda.

Bridge:
Bigkas ni Rizal, magiting na bayani
Isa lamang siya sa marami
Pilipino na sa bayan ay nag-alay
Kaya ngayon ako ay narito.

(ulitin koro 2x)